"HAPPY SECOND ANNIVERSARY
BATANG PINAS"
- "Sobrang daming bagay dito sa mundo na hinding hindi masusukat ng anumang instrumento lalo na sa aspeto ng PAGKAKAIBIGAN".
High school pa lang ng nagsimula ang pagsasamahang walang kapantay. Sabi nga nila "click na click" daw kami sa isa't isa halos walang bagay kaming hindi papalagpasin. Marami na rin kaming mga bagay na nagawa at naaccomplished. Naging maganda ang pananaw ng iba sa tropa namin pero di pa rin maiiwasan na maging "TOPIC" kami ng iba. Lumabas din ang iba't ibang "Version" ng aming pagsasamahan... Ngayong pangalawang taon na namin maari sigurong ilahad ko ang mga bagay ng naging baon ko bago ako tumapak sa "COLLEGE LIFE"...
Mula pa noon aminado na ako na hinding hindi ko masusukat ang mga bagay na naitulong nila sa akin o ni naiambag sa akin. Naging masaya ako sa halos apat na taong kaming nagsama-sama may pagkakataon mang nagkakalabuan pero naiaayos naman. May mga bagay na hinding hindi namin makakalimutan sa isa't isa at ito ay ang pagiging "FUNNY, COOPERATIVE, KIND, INTELLIGENT, FRIENDLY etc." ( sobrang dami kasing words na maaring mag describe sa kung sino sino kami ).
"SNN SCNN", "BEAUTY PAGEANT with a TWIST", "PANGKAT ANGAT at RADIKAL", "DORA the EXPLORER IN MALABON" at "DUBBING" ito ang mga di makakalimutang performances na nagawa ng aming barkada. Ika nga nila "magkakaiba man ng talento pero iisa naman ang mithiin at iyon ang MANALO at maghatid ng ngiti sa makakapanuod nito".
Kasabay nga ng panahon mabilis din nabago ang pahina ng aming pagsasamahan. Nagkahiwahiwalay dahil sa kolehiyo naman ang bagong pahinang tatahakin ng bawat isa. Iba't ibang kursong kinuha at may posibilidad na di na magkakitaan pero hinding hindi ang magkalimutan!.
Nagdiwang kami ng unang taon at ngayon ikalawang taon na ng aming barkada ang bilis di ba?. Sa loob ng 720 days na iyon isa lang masasabi ko "WALA PA RING KAKUPAS KUPAS ANG BARKADA KO"
Saksi ang mga puno't halaman sa wildlife at ng iba pang mga kaibigan ang mahalagang araw na ito . "APRIL 2" muli maligayang anibersaryo sa atin mga katropa ko !!
"Friendship is unnecessary, like philosophy, like art... It has no survival value; rather is one of those things that give value to survival."