teenagers life this is what weare talking about :)

teenagers life this is what weare talking about :)

Huwebes, Agosto 25, 2011

"Not At All Times, Failure means to STOP"

"Failure is only a temporary change in direction to set you straight for your next success."

                        
"There are no secrets to success. It is the result of preparation, hard work, and learning from failure."

Miyerkules, Agosto 24, 2011

Wall Post: 7 days to go! "BERMONTH" na!!! ano na ??











 "Ikaw bilang 
isang teen
ano ang BERMONTH 
para sayo??"

                                Kadalasang sabi ng mga kabataan sa  panahon ngayon ang Bermonth ay ang mga buwan na kung saan ipinagdiriwang at inaalala natin ang mga bagay-bagay tulad ng kapaskuhan o kapanganakan ng dakilang lumikha, pag-alala sa mga yumao nating mga kamag-anak at kabi-kabilaang selebrasyon tulad ng "fiesta", "birthday" "halloween at christamas party". 

                               Pero sa panahon ngayon usong-uso sa mga makabagong kabataan ang pagbibigay palit kahulugan sa BERMONTH at ito ang " PANAHON NG MGA SMB " o panahon ng mga malalamig ang pasko at ito rin ang panahon ng SIMBANG TABI ika nga nila... Sa madaling sabi ito ang panahon na kung saan nagliliwaliw at nagpapakaligaya ang mga kabataang tulad natin. Sabi nga ng kaibigan ko sa klasmeyt ko ...
                                Itago na lang natin sa pangalan na Ms. G o Ms. Ganda ang babaeng kinausap niya " Hey! Ms. G, do you have a boyfriend?"sabi ng kaibigan ko. 
                               
                                  Sabi naman ni Ms. G sabay haplos sa mahabang buhok " Wala pa eh, bakit?"..
                             
                             Biglang sagot ng kaibigan ko " 7 days to go na lang kasi Bermoth na, Pwede bang tayo ? kahit hanggang Dec.31 AT EXACTLY 12 MIDNIGHT! lang" 
                                 
                              Biglang walkout ni Ms. G ... 
                             
                         Teka-teka, Ano nga bang mayron sa Bermonth kaya takot kang maging single sa mga panahong ito? eh samantalang natiis mo naman ito sa loob ng walong buwan??

Ayon sa aking survey:

1.Ang bermonth daw ang panahon ng tag-lamig kaya kailangan ng makakasama? 
                             Mukhang ang labo naman ata ng sagot sa tanong, Bermonth tag-lamig? May snow ba dito sa Pinas? Global warming na din kaya medyo mainit na din at mukha bang heater ang kapartner mo kaya gusto mo siyang makasama kapag bermonth??

2. Ang bermoth daw ang panahon kung kailan maraming kasayahan at hinding-hindi dapat palagpasin.
                           May punto nga ang sagot na iyan, pero tanong ko lang tag-luksa ba noong mga nakaraang walong buwan??


3.Ang bermonth ang panahon ng pag-alala ..
                          Ito ang pinaka gusto kong kasagutan, alam niyo kung bakit? Kasi ang bermonth ay panahon kung saan sinasariwa natin ang mga alala ng mga taong nakasama natin sa loob ng isang pinagpalang taon. 
                         Halimbawa na lang ang araw ng patay,  nakaugalian na nating mga pilipino na dalawin at ipagtirik ng kandila ang ating mga yumaong mga kamag-anak bilang tanda ng pag-alala. Pero mangilan-ngilan sa atin na sa araw na ito lang nila nabibigyan atensyon ang kanilang mga kamag-anak sapagkat ito lang ang panahon kung saan malaya sila sa reyalidad na buhay. Kaya't kung minsan di natin sila masisisi...


                       Pangalawang halimbawa ang araw ng pasko, halos sa lahat ng araw sa loob ng isang taon ito ang pinaka-gusto ng mga tao,bakit? Kasi ito ang panahon ng pag-alala sa dakilang lumikha at ito rin ang panahon na kung kailan makakasama natin ang buong angkan.

                      Katulad nga ng sinabi ng nainterview ko, ang Bermonth ay ang panahon ng pag-alala. 
Biglang kong naisip ang salitang "PAG-IBIG"; bakit? simple lang, dahil ito ang panahon na naalala mo siya di dahil sa namimiss mo siya o di dahil sa mahal mo pa sya kundi dahil sa "SANA NAKAKASAMA MO PA SYA PARA SUMAYA KA LALO PA'T ITO NA ANG PANAHON PARA SA SELEBRASYON AT MAGPAKALUNOD SA TUWA'T LIGAYA KASO ... WALA NA AT HINDING-HINDI NA MAIPIPILIT PA" ...

                         "Mga pag-alala sa mga sitwasyon na kasama mo siya sa pagdalo ng simbang gabi, Pag-alala sa mga pangyayaring nagpapalitan kayo ng regalo at Christmas cards, Pag-alala sa mga nagdaang panahon na paniguradong imposible ng balikan dahil kasabay ng panibagong taon may panibagong sitwasyon pero kahit kailan hinding-hindi magbabago ang panahon ng BERMONTH na nakasama mo siya."

                        Ngayon tanong ko sa iyo, Sa loob ng walong buwan na nagdaan sa buhay mo. Anu-ano ang mga nagawa mo para masabi mong handa ka na para sa panahon ng pagpapakaligaya??

                        Halos lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang depinisyon para sa BERMONTH at iyon ang pawang nirerespeto ko pero kung minsan sana'y maging masusi tayo sa pagbibigay kahulugan dahil minsan ang gintong bagay na tutukain mo na sana'y nagiging pilak pa. "You must learn to look for a QUALITY of a thing that you can gain from it and not the QUANTITY of it". Minsan nabubulag tayo sa mga bagay-bagay dahil sa ito'y maganda o kaya dahil sa madami ang bilang nila pero sana tingnan muna natin ang halaga nila bago ang iba... :))))



Lunes, Mayo 16, 2011

"MALAPIT NA ANG HUNYO,HANDA NA BA TAYO ??"


 " BEFORE "
" WHAT TIME IS IT ?? ITS SUMMER TIME ! - High School Musical 2 "




                 Bawat estudyante kailangan ng pahinga kaya nga may " FREE DAY " at "WEEKENDS ". Pero sa lahat ng mga pangyayari na paborito ng bawat estudyante isa na rito ang tinatawag na "LONG VACATION" (Sembreak at Summer vacation). Taon-taon itong hinihintay ng bawat isa sabi pa nga sa palabas "WHAT TIME IS IT ?? " anong sagot ?? sige nga! . . 

                Kadalasan pa nga'y kapag tinanong ang estudyante ng kanilang guro ng ganito: "ANONG MGA SALITA ANG MAILALARAWAN MO SA SALITANG "VACATION" ? " madaming sasagot niyan for sure.. pero kapag tungkol sa MATH asahan mo iilan lang ang magtatangkang sasagot; sabi nga ng iba "PARANG MAY DUMAANG ANGHEL ". 

                   Dalawang buwan din ang pahinga ng bawat isa. Kanya kanyang galaan at gimikan kung baga binabawi lang nila ang mga araw na subsob sila sa libro, projects, assignments, recitations, exams, etc at kinakalimutan nila ang mga " nakaraan nila sa mga #%@!~ " ( mahirap na at baka may mag react ). 

                   COMMON PHRASES ng mga close friends ko BEFORE i leave them " MAMIMISS KITA ,. SAN KA BA THIS SUMMER ??? biglang dugtong PASALUBONG KO AH! salamat love u ! ( kitam how nice di ba .. sabi nga ni vice ganda ANDUN NA EH .. NAUDLOT PA! ) 

                   E N J O Y ~! HAPPY SUMMER VACATION ... nakasulat pa sa BLACKBOARD!


" ILANG ARAW ANG LUMIPAS "

    textmate 1 :  " Kamusta ka na ?? , ano gawa mo ?? topic tayo ... " ok ! 
    textmate 2 : "Ito ok lang. kaw?? Soundtrip , nuod t.v , tulong sa bahay namin . OK TOPIC ?? 
  textmate 1: " ok lang din ako, TOPIC NATIN ITO.  tell me something about your summer   
                          vacation ? " 

         " BORING NGA EH ! SANA PASUKAN NA LANG ULIT PARA MAY PERA AKO , EH DI SANA KASAMA KO PA KAYO .. AT DI PA AKO GAANONG MAUUTUSAN DITO SA BAHAY " ( parehas ng reaction ang dalawang textmate at agree pa sa isa't isa )


                   Minsan talaga hindi natin maiintindihan ang reaction ng bawat isa di ba? pero SITUATION SPEAKS naman tlaga at totoo iyon, AGREE??  , pero ang gulo talaga kasi kapag may pasok sa school mostly ganito ang sabi-sabi "sana wala na lang pasok .. minsan hinhiling pa sana bumagyo, sana umulan. sana absent si mam/sir. sana cutting classes. sana .. sana... !! ". Kapag vacation na "sana may pasok naman para may ganito! may ganyan!.. " ai ewan.. 

                      " SIGE NGAYON BILANG NA LANG ANG ARAW MO DIYAN SA BAKASYUNAN MO , ANO PANG IRREACTION mo ??? aber! "


" balik eskwela na ... ano kaya makukwento mo ?? at ano kaya magiging reaction mo kapag tinanong ka ng ganito ... "
" OK CLASS, ISULAT NIYO SA ISANG BUONG PAPEL ANG MGA GINAWA NIYO NUONG NAKARAANG BAKASYON! "

                                    -=== d(////______~)b ====-   xxx   -=== d(////______~)b ====-

" AFTER "
" WHAT TIME IS IT ??
 O.M.G I'M LATE !!!!"



               Bagong gamit , Bagong classmate , at Bagong teacher! Kaso lumang expression pa din SORRY~ IM LATE ... !!! ( tingnan niyo ginawan pa ng pelikula yang walang kamatayang expression na yan ). Sa loob ng classroom iba-iba ang klase ng mga estudyante at siguradong totoo yun . Sa simula SHY TYPE PA YAN ... TAHIMIK AT WALANG IMIK ... pero ilang minuto lang magkakakilala na yan !! at ilang araw lang MAGUGULO NA YAN .. at ilang buwan lang MANHID KA NA SA KANILA ( yearly expression ng mga mentors hehe .. ^^ ) ... 

               10 months din silang gagawa ng mga school stuffs and works . Madaming activities at presentations kailangang ipasa at gawin at sigurado iyong mga expressions na sinabi ko sa taas UULITIN NA NAMAN! ( kaya tayo bilang susunod na guro , MASANAY NA ! ) ... 

                   Matagal-tagal din ang mga araw na pagsasamahan ng guro at mga estudyante kaya sana " BEST MEMORIES AT SCENARIOS " ang mabuo at hindi " MORAL AT PHYSICAL ISSUES o HATES / CONFLICTS... "

                     ISA LANG MASASABI KO para sa mga GURO " WE ARE THE KEY TO THEIR LEARNINGS " At para sa mga ESTUDYANTE " YOUR THE MAIN REASON WHY WE'RE STILL HERE LIVING AND EXISTING "

             -=== d(////______~)b ====-  -=== d(////______~)b ====-  -=== d(////______~)b ====-

                        SO GUYS ! HAPPY NEW ACADEMIC SCHOOL YEAR :) !!!

             -=== d(////______~)b ====-   -=== d(////______~)b ====-  -=== d(////______~)b ====-


Biyernes, Abril 22, 2011

"WILDLIFE PHILIPPINES BEST SPOT NG TROPANG WALANG IWANAN"



"HAPPY SECOND ANNIVERSARY
BATANG PINAS"

    • "Sobrang daming bagay dito sa mundo na hinding hindi masusukat ng anumang instrumento lalo na sa aspeto ng PAGKAKAIBIGAN".

                      High school pa lang ng nagsimula ang pagsasamahang walang kapantay. Sabi nga nila "click na click" daw kami sa isa't isa halos walang bagay kaming hindi papalagpasin. Marami na rin kaming mga bagay na nagawa at naaccomplished.  Naging maganda ang pananaw ng iba sa tropa namin pero di pa rin maiiwasan na maging "TOPIC" kami ng iba. Lumabas din ang iba't ibang "Version" ng aming pagsasamahan... Ngayong pangalawang taon na namin maari sigurong ilahad ko ang mga bagay ng naging baon ko bago ako tumapak sa "COLLEGE LIFE"...

                       Mula pa noon aminado na ako na hinding hindi ko masusukat ang mga bagay na naitulong nila sa akin o ni naiambag sa akin. Naging masaya ako sa halos apat na taong kaming nagsama-sama may pagkakataon mang nagkakalabuan pero naiaayos naman. May mga bagay na hinding hindi namin makakalimutan sa isa't isa at ito ay ang pagiging "FUNNY, COOPERATIVE, KIND, INTELLIGENT, FRIENDLY etc." ( sobrang dami kasing words na maaring mag describe sa kung sino sino kami ).

                            "SNN SCNN", "BEAUTY PAGEANT with a TWIST", "PANGKAT ANGAT at RADIKAL", "DORA the EXPLORER IN MALABON" at "DUBBING" ito ang mga di makakalimutang performances na nagawa ng aming barkada. Ika nga nila "magkakaiba man ng talento pero iisa naman ang mithiin at iyon ang MANALO at maghatid ng ngiti sa makakapanuod nito".

                            Kasabay nga ng panahon mabilis din nabago ang pahina ng aming pagsasamahan. Nagkahiwahiwalay dahil sa kolehiyo naman ang bagong pahinang tatahakin ng bawat isa. Iba't ibang kursong kinuha at may posibilidad na di na magkakitaan pero hinding hindi ang magkalimutan!.

                              Nagdiwang kami ng unang taon at ngayon ikalawang taon na ng aming barkada ang bilis di ba?. Sa loob ng 720 days na iyon isa lang masasabi ko "WALA PA RING KAKUPAS KUPAS ANG BARKADA KO" 

                                Saksi ang mga puno't halaman sa wildlife at ng iba pang mga kaibigan ang mahalagang araw na ito . "APRIL 2" muli maligayang anibersaryo sa atin mga katropa ko !!



"Friendship is unnecessary, like philosophy, like art... It has no survival value; rather is one of those things that give value to survival."
- C. S. Lewis