Kadalasang sabi ng mga kabataan sa panahon ngayon ang Bermonth ay ang mga buwan na kung saan ipinagdiriwang at inaalala natin ang mga bagay-bagay tulad ng kapaskuhan o kapanganakan ng dakilang lumikha, pag-alala sa mga yumao nating mga kamag-anak at kabi-kabilaang selebrasyon tulad ng "fiesta", "birthday" "halloween at christamas party".
Pero sa panahon ngayon usong-uso sa mga makabagong kabataan ang pagbibigay palit kahulugan sa BERMONTH at ito ang " PANAHON NG MGA SMB " o panahon ng mga malalamig ang pasko at ito rin ang panahon ng SIMBANG TABI ika nga nila... Sa madaling sabi ito ang panahon na kung saan nagliliwaliw at nagpapakaligaya ang mga kabataang tulad natin. Sabi nga ng kaibigan ko sa klasmeyt ko ...
Itago na lang natin sa pangalan na Ms. G o Ms. Ganda ang babaeng kinausap niya " Hey! Ms. G, do you have a boyfriend?"sabi ng kaibigan ko.
Sabi naman ni Ms. G sabay haplos sa mahabang buhok " Wala pa eh, bakit?"..
Biglang sagot ng kaibigan ko " 7 days to go na lang kasi Bermoth na, Pwede bang tayo ? kahit hanggang Dec.31 AT EXACTLY 12 MIDNIGHT! lang"
Biglang walkout ni Ms. G ...
Teka-teka, Ano nga bang mayron sa Bermonth kaya takot kang maging single sa mga panahong ito? eh samantalang natiis mo naman ito sa loob ng walong buwan??
Ayon sa aking survey:
1.Ang bermonth daw ang panahon ng tag-lamig kaya kailangan ng makakasama?
Mukhang ang labo naman ata ng sagot sa tanong, Bermonth tag-lamig? May snow ba dito sa Pinas? Global warming na din kaya medyo mainit na din at mukha bang heater ang kapartner mo kaya gusto mo siyang makasama kapag bermonth??2. Ang bermoth daw ang panahon kung kailan maraming kasayahan at hinding-hindi dapat palagpasin.
May punto nga ang sagot na iyan, pero tanong ko lang tag-luksa ba noong mga nakaraang walong buwan??
3.Ang bermonth ang panahon ng pag-alala ..
Ito ang pinaka gusto kong kasagutan, alam niyo kung bakit? Kasi ang bermonth ay panahon kung saan sinasariwa natin ang mga alala ng mga taong nakasama natin sa loob ng isang pinagpalang taon. Halimbawa na lang ang araw ng patay, nakaugalian na nating mga pilipino na dalawin at ipagtirik ng kandila ang ating mga yumaong mga kamag-anak bilang tanda ng pag-alala. Pero mangilan-ngilan sa atin na sa araw na ito lang nila nabibigyan atensyon ang kanilang mga kamag-anak sapagkat ito lang ang panahon kung saan malaya sila sa reyalidad na buhay. Kaya't kung minsan di natin sila masisisi...
Pangalawang halimbawa ang araw ng pasko, halos sa lahat ng araw sa loob ng isang taon ito ang pinaka-gusto ng mga tao,bakit? Kasi ito ang panahon ng pag-alala sa dakilang lumikha at ito rin ang panahon na kung kailan makakasama natin ang buong angkan.
Katulad nga ng sinabi ng nainterview ko, ang Bermonth ay ang panahon ng pag-alala.
Biglang kong naisip ang salitang "PAG-IBIG"; bakit? simple lang, dahil ito ang panahon na naalala mo siya di dahil sa namimiss mo siya o di dahil sa mahal mo pa sya kundi dahil sa "SANA NAKAKASAMA MO PA SYA PARA SUMAYA KA LALO PA'T ITO NA ANG PANAHON PARA SA SELEBRASYON AT MAGPAKALUNOD SA TUWA'T LIGAYA KASO ... WALA NA AT HINDING-HINDI NA MAIPIPILIT PA" ...
"Mga pag-alala sa mga sitwasyon na kasama mo siya sa pagdalo ng simbang gabi, Pag-alala sa mga pangyayaring nagpapalitan kayo ng regalo at Christmas cards, Pag-alala sa mga nagdaang panahon na paniguradong imposible ng balikan dahil kasabay ng panibagong taon may panibagong sitwasyon pero kahit kailan hinding-hindi magbabago ang panahon ng BERMONTH na nakasama mo siya."
Ngayon tanong ko sa iyo, Sa loob ng walong buwan na nagdaan sa buhay mo. Anu-ano ang mga nagawa mo para masabi mong handa ka na para sa panahon ng pagpapakaligaya??
Halos lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang depinisyon para sa BERMONTH at iyon ang pawang nirerespeto ko pero kung minsan sana'y maging masusi tayo sa pagbibigay kahulugan dahil minsan ang gintong bagay na tutukain mo na sana'y nagiging pilak pa. "You must learn to look for a QUALITY of a thing that you can gain from it and not the QUANTITY of it". Minsan nabubulag tayo sa mga bagay-bagay dahil sa ito'y maganda o kaya dahil sa madami ang bilang nila pero sana tingnan muna natin ang halaga nila bago ang iba... :))))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento