"Failure is only a temporary change in direction to set you straight for your next success."
Minsan ang hirap tumanggap ng pagkatalo lalo pa't alam mo sa sarili mo na binigay ang lahat-lahat para maging isang "successful one", pero sabi nga nila sa lahat daw ng tunggalian sa buhay palaging may isang panalo at talo.
"There are no secrets to success. It is the result of preparation, hard work, and learning from failure."
Para sayo, papano mo ba masasabing talunan ka?. Ako aminado ako sa sarili ko na natatalo din ako sa paraang hindi ko man lang inaasahan mangyayari, iyong tipo ba na binigay mo na ang lahat para manalo lang ngunit talo ka pa din. Halimbawa na lang sa simpleng presentasyon, ibinuhos mo ang lahat ng oras at panahon para makabuo ka ng isang concept pero anong nangyari? unsuccessful ang kinalabasan. Mahirap man tanggapin pero iyon ang katotohanan...
May mga nagsasabi din na wala raw talunan sa mundo "Quiter" maaari pa, kasi ang basehan daw ng pagkatalo ay hindi sa bilang ng ilang beses ka nadapa o bumigay kundi binabase ito sa sitwasyon kung huminto ka na talaga at ayaw mo ng ipagpatuloy pa.
Iba-iba talaga kasi ang sitwasyon ng pagkatalo pero di pa din mawawaglit sa ating isipan na ang bawat pagkatalo ay ibig sabihin "MAY MALI AT KAILANGANG BAGUHIN AT PALITAN PARA MAKAMIT DIN NAMAN NATIN ANG TINATAWAG NG PAGKAPANALO"...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento